KASAYSAYAN NG SAMAHANG NAZARENO
Ang
buhay at ang pagpapakasakit ng ating PANGINOONG
HESUKRISTO ay isang kaugaliang naiwan sa atin ng mga banyaga, may ilang
daang taon na ang nakalipas. Ang mga pagtatanghal na ito ay isang bahagi ng
maraming nakagisnang panoorin at sistema ng pamamanata nating mga kristiyano.
Ito ay ipanamana sa atin ng ating mga ninuno bilang pagpapahalaga sa kasasayang
naganap noong unang MAHAL NA ARAW. Tulad
ng KAPASKUHAN, pinagpapahalagahan ng
mga Kristiyano saan mang dako ng mundo ang araw na ito. Ang bawat rehiyon,
lalawigan at bayan ay may kanya-kanyang pamamaraan at gawi para bigyang halaga
ang kanilang kulturang kinamulatan.
Ang
bayan ng Cainta na nasasakupan ng lalawigan ng Rizal, ay masasabing isa sa mga
masugid na tagapagpalaganap ng mga binanggit.
Ang pagtatatanghal ng SENAKULO,
PENITENSIYA AT PABASA ay matagal ng
isinasagawa sa ating pamayanan. At marahil di lang iilan sa ating mga kababayan
ang naging bahagi at nakikibahagi sa panooring ito. Sa dean-daang nakikibahagi
sa araw na ito, maraming dito ang pamamanata at ang iilan ay bilang paggalang
at pakikiisa sa pag-aayuno, pag-galang at pagalala sa araw ng PAGHIHIRAP NG ATING POONG HESUS.
Noong
taong 1953, isang pangkatin ng mga kabataan sa Baryo San Juan at Baryo San Andres ang nagkaisa
para sa pagtatanghal ng PENITENSIYA. Dahil dito, nagkaroon ng bukas na isipan
ang mga kabataan sa Bayan ng Cainta sa pagsasalarawan sa buhay ng ating
Manunubos. Dito nagsimula ang masidhing panata ng mga taga Cainta na maipalabas
ang tunay pangyayari sa buhay ni Hesus sa isang tanghalan o entablado.
Taong
1960, isang pangkatin sa ilalim ng pagtataguyod nila mga Ginoong †Vicente del Rosario, †Fabbie Halili, †Domingo Cruz, †Leonardo Landicho, †Anghel Sta. Ana, †Onofre
Vasqez, †Tony Cadayoc, †Mariano de Guzman, †Arcadio Francisco, Felipe Marcelo,
at David Javier ang pumalaot sa nasabing kaugalian. Sa simula, hindi naging matagumpay ang kanilang
mga mithiin dahil sa ibat-ibang dahilan.
Ngunit, hindi ito naging dahilan para mabawasan ang init ng kanilang
pagnanasa na makapagtatag ng isang samahan ng mga senakulistang kabataan na
magtataguyod sa kanilang giangawang pananampalataya.
Sinikap
ng mga tinurang kabataan na mas lalong pag-ibayuhin ang sigla at tatag sa
pagsasalarawan sa buhay ng ating Panginoon.
Hindi naman nag laon, ang mga
kabataang ito at ang mangilan-ngilang
masugid na tagapagtaguyod nila ay nagkaisa na buohin ang samahang ito
para mabigyan ng karangalan ang Bayan ng Cainta sa
isang mapananampalataya at masining na
kaugaliang Filipino.
Ang SAMAHANG NAZARENO ay isinilang sa sidhi
at tapat na panata ng mga kabataang ito. Hindi nila inalintana ang hirap at
pagod na kanilang daranasin sa pagtatatag ng isang maka-Diyos na samahan, at
iyan din ang kusang-loob na ginagawa ng ilang mamamanata sa panahong ito.
Nagsimula
din sa mga panahong yaon ang pananaliksik (research) sa mga akmang kasuotan at
kagamitan na naaangkop sa panahon ng Imperyo Romano (kasuotang ginamit ng mga
Hudyo (Jews) at mga kasuotan at
kagamitang Romano). Ang mga kuro-kuro tungkol dito ay binalangkas sa pamamahala
ni †Vicente del Rosario, ang
natalagang bilang unang pangulo, sa tulong ng mga dumaraming kasapi nito.
Kagya’t di nagtagal at ang kanilang mga pagsisikap ay matangumpay na nagbunga
ng napakaganda at napakalaking samahan.
Sa pamamagitan ng bagong kasapi ng panahong iyon na
si †Romarico Cruz, ang mga
naggagandahang telon na naakma sa mga eksena ay nabuo. Ang mga telon na ito ang
nagbigay kulay sa at liwanag sa kapaligaran at loob nang entablado. Sa kanya
din nagsimula sa tulong ni Erning
Magracia at ng mga iba pang kasapi ang
ibat-ibang kasuotan ng mga kawal Romano at Hudyo (Armor, Helmet, Shield, Weapon, Ensigna and
Leggins) at mga alahas at karamitan ng mga Hari, Pantas, Pariseo, Levita at mga
Gobernador. Dito rin nabuo ang paggamit
ng Chariot at kabayo, ang kalandra ni Claudia at ang Pambigti ni Hudas na
lalong nagbigay ningning sa panahon ng Semana Santa. Sa mga kagamitan at
kagandahan ng pagtatanghal ay naimbita ang samahan sa iba’t-ibang lugar Tulad
ng San Pablo, Laguna; Obando, Bulacan; Navotas
at Marikina,
Rizal; at iba pang mga lugar.
Ng taong 1965, lalong higit ang papuring tinggap ng
Samahan ng kanilang ilunsad sa pagtatanghal ang dating si Bb. Terry Lualhati, na siyang guamanap bilang Claudia. Sa mga panahon ding ito minarapat ng Samahan
na magtatag ng isang Altar na
pagdadausan ng taunang pabasa at gaundin ang pagtatatag ng SALUBONG AT KAPITANA.
Ang senakulo sa panahong ito, kahit na naging maganda
sa pamamagitan sa tulong ng mga makabagong kagamitan at makulay sa ganda ng
telon at entablado, ay naging kabagut-bagot sa mga manonood dahil sa makalumang
sistema ng palabas. Pitong araw isinasaganap ang Senakulo sa pamamaraang
makaluma mula 1960 hanggang 1968.
Nahalal si Ginoong
Eddie Reyes noong 1968, sa kanyang pamamahala napagtuunan ng SAMAHANG
NAZARENO ang kakulangan ng palabas at ibagay ito sa makabagong panahon. Ang
pag-aaral at pagsasaliksik sa makabagong
“script” ng samahan. Ang pagpapalitan ng
kuro-kuro hinggil sa pamamaraan ng pagtatanghal a naging pangkaraniwan. Hindi mabilang ang mga aklat na tumatalakay
sa panahong naturan at mga larawan ang sinuring mabuti upang maging batayan sa
pagbabago ng mga kasuoutan, pananalita,
at tanawing gagamitin. Ang mga mungkahing ito a tinipon at pinagsama-sama. Gayundin naman, sa panahon ding ito,
sinimulang piliin ng mga namamahala sa produksyon ang mga taong magsisiganap sa
mga pangunahing papel. Ang mga makabagong telon, kasangkapan at kasuotan ay
binalangkas sa ilalim ng makasining na kaisipan nina †Romarico Cruz at Lut
Estanislao. Ang paglalapat ng tunog at musika at mga ilaw ay naging bahagi na
rin ng paghahanda.
Noong
taong 1970, ang mga pagsisikap na ito ay ipinamalas sa kauna-unahang
pagkakataon. Naging matagumpay ang nasabing pagtatanghal. Sa mga panahong ito a
yumabong at umunlad ang kulturang itinatag ng mga munting kabataan noong 1960. Hanggang
sa ngayon ang itinatag nilang ay magiging pundasyon ng mithiing mapalaganap ang
Kristiyanismo sa Bayan ng Cainta at kanugnog pook.
Taong
1972, ang samahan sa tulong nga mga
nagpapahalagang kasapi ay nalathala sa Securities and Exchange Commision sa
bilang ng kautusan bilang 50070. Ang Samahang Nazereno, Inc. ay isang
non-profit and non-stock na korporasyon.
Ika 24 ng Pebrero taong 1993, pinarangalan ang Samahang
Nazareno, Inc. ng Gawad CCP Para sa Sining (FOLK THEATER), “Category C” Ang
“Category C Award ay ibinibigay ng CCP sa mga tradisyonal na artista at grupo
ng mga artista na nagbigay ng napakahalagang kontribusyon sa kultura ng
kanilang rehiyon sa pamamagitan ng:
- Kanyang Galing sa Katutubong expression na
nagpapakita ng namanang kultura ng bawat tao;
- Kanyang mapanlikha at teknikal na kaalaman na
mapanatili ang nasabing sining;
- Kusang loob na malayang maipahayag sa lahat ang
kanilang galing; at
- Pagkilala ng mga tao sa kanilang rehiyon sa galing
at husay sa nasabing sining.
Sa ngayon (2009), a sertipiko ng Karapatang Ari
(Certficate of Copyright) bilang E2009-08 ay naipalathala na sa Pambansang
Aklatan (National Library) sa ilalim ng pangangasiwa ng National Commission for
Culture and the Arts upang mapangalagaan ang karapatan ng SNI sa pagamit ng
kanyang likhang sining.